1. I should be writing my paper for my HI165 class, but I just can’t find it in my heart to write anything not connected to my feelings right now because of this unnecessary stress
2. oo tagal ko nang di nagpopost dito no. hello world!
3. my sister once told me that i should learn how to stop divulging my plans to other people. minsan kasi naji-jinx yung plan and then wala na failure zzzzz
_________________________________________________________
the other day, a friend of mine (who is also one of the judges for the orsem host auditions) told me to join the auditions. siyempre sinabi ko, “ay nako di ko kakayanin yan friend! shy guy ako!” As expected, medyo may halong disbelief yung tingin niya sa akin when I said that. HAHAHA then I thought to myself, “hello sinong niloloko ko mehn hindi ako mahiyain lalo na kapag kaharap ng maraming tao no kapal kaya ng mukha ko (in the good sense, kung mayroon man)”. For the first time, I actually considered joining the auditions.
Aaminin kong isa sa mga gusto ko talagang gawin in my college life is to host an event like orsem. that, and gusto kong maging tnt (hindi ko nga lang tinuloy kasi medyo mababa ang confidence ko sa sarili ko that time) kahit once lang. as in gusto kong tumayo in front of all those freshmen with a couple of interesting, talented, and charismatic people and makipagsabayan w them to entertain everyone. tuwing nagpepresent ako sa mga klase ko, medyo hindi siguro okay, pero iniisip ko talagang naghohost ako ng show or something, tapos trabaho kong pasayahin yung mga taong nakikinig sa akin. tuwing nagpepresent ako, masaya ako, especially when I see that people are having a good time. siyempre feel na feel ko ang pagiging ESFP ko. HAHAHA pero really, yun lang ba ang kailangan dito?
Iniisip ko pa rin talaga na ganyan siguro kaming mga aspirants nagsimula. Lahat kami siguro gustung-gustong nagsasalita sa harap ng maraming tao. Siguro nasabihan din kami ng “uy subukan mo kayang sumali!” Siguro yung iba pang mga gustong sumali mas magaling pa sa akin, lalo na’t may karanasan na yang mga yan dati sa hosting. Then I think to myself, “hi benjo sa tingin mo paano ka naiiba sa kanila?” Then yun, natatakot na ako bigla.
Ewan ko. I guess this is normal naman, na natatakot ako and all, lalo na’t first time kong gagawin to (if ever I will push through with it). OA lang siguro ako. Ngayon, tatlong bagay lang naman ang naiisip ko. Una, binabalikan ko yung isa sa mga try-outs na kinatakutan ko talaga dati: yung try-out ko for the flag football team. I got in (thank God and our coach), and then I just think na maybe if I let my fear eat me, hindi siguro talaga ako nakapasok. Pangalawa, I should step up para magawa yung gusto kong gawin. Kung wala talaga akong gagawin, e di hindi ko talaga siya makukuha. Pangatlo, sabi nga ng prof ng ate ko, “It won’t kill you to try.” Hindi naman ako mamamatay kung sinubukan kong sumali. Kung hindi ako natanggap, life goes on. Kung natanggap naman ako, meron pang mangyayari, and I just gotta go with it since gusto ko talaga siya.
Kanina pa nakabukas yung sign-up sheet tab sa browser ko, and kanina ko pa siya tinititigan. Dami ko lang feelings ngayon tuwing dumadapo yung cursor ko sa “I’ll be there” button. Baka dapat isipin ko muna yung 1500-word reflection ko. Lord penge naman ng onting push tungkol sa issue na ito tnx