Quantcast
Channel: Juco Juice For Sale!
Viewing all articles
Browse latest Browse all 640

Haaaaaayz.

$
0
0

My twitter feed is filled w broken-hearted people, o kaya yung may mga dysfunctional relationship. Merong mga friend-zoned, nagsisisi, mga taong may namimiss, mga torpe, atbp. Punto, lahat sila may significant person sa puso’t isipan nila! Haaaay nakakamiss din talagang maghanap ng taong lalandiin.

Nakakamiss yung sa mga unang buwan, getting to know each other muna. Kapaan muna kayo. Yan yung time na minsan napapaisip ka, “Am I bothering you w my texting, or do you like it? Nahahalata mo na ba ako? Sana wag muna, pero sana oo. Ano kayang next kong sasabihin? Awkward ba kung sinabi kong gusto kong lumabas kasama siya?” After a few months (or maybe not so few), ayan, nagkakilala na kayo, pero medyo ganun pa rin ang mga iniisip mo, only this time, di na gaanong awkward yung ibang mga gusto mong sabihin. Tas makalipas na naman ang ilang buwan, tinutukso na kayo ng mga kaibigan niyo. Yung tipong, “We exist but we’re taking it slow.” tas ayun, you confess to each other and you act more intimate and all, pero MU pa lang naman. Wala pa yung holding hands, pero di naman kailangan kasi parang yung presence lang nung tao okay na. Okay na yung nakikita mo siya, nakakausap, napapangiti. Kahit wala muna yung mga kiss or holding hands, okay lang. Tapos maghoholding hands for the first time tas kiss lang na kyot. Tapos maghoholding hands na in public, saying “I love you,” to each other. After a while, kakapusin ng words, magkakaproblema, pwede ring magkasawaan in some occasions. Then pag-uusapan yung mga problema. Mareresolba rin naman, kahit papaano, tas okay na kayo. Tapos ano…wait lang,  

tapos ayun, maayos lang kayo until magkaroon ulit ng problema, and you start seeing the bad things in each other because maybe both of you were stupid, tas ayun, masisira ang relasyon niyo. Tas ayun, iiyak na lang sa kwarto or gagawin ang lahat basta hindi maisip yung tao na yun. People see you’re trying so hard, but you’re still not doing a really good job. Tas strangers na lang ulit kayo, pero nagsastalk pa rin kayo, like, checking out each other’s profiles to check kung may bago ba si ex agad. Then you start thinking of some consoling idea, like, “Everything happens for a reason,” or, “It wasn’t meant to be.” tas ayun.

Pero kebs lang.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 640

Trending Articles